Ang Pagbabago

Image may contain: text
Credit to: SK Logo
Sk eleksyon ay isang halalan ng mga kabataan kung sino ang magsisilbing modelo at lider para sa mga kabataan sa isang barangay. Ang mananalong sk chairman ang magsusulong ng mga proyekto para mahubog at tulungan ang mga kabataan para maging isang produktibong tao. Kasabay ng sk election ay ang barangay election. Ito ay ginanap noon lang ika labing-apat ng mayo taong dalawang libo labingwalo.

Ang halalang ito ay ilang beses ng naudlot dahil sa samut-saring kadahilanan. Pero napagdesisyunan ng kamara na huwag ng ipagpaliban ang halalan ng sk at barangay dahil ito ay nasa batas. Naging matiwasay naman ang nakaraang halalan para sa sangguniang kabataan pero di maiiwasan ang ibat-ibang isyu at usapin tungkol sa naganap na halalan.

Image result for no vote buying
Credit to: No to Vote Buying
Una na dito ang mahigpit na pagpapatupad ni pangulong duterte ng “no vote buying policy”. Sa mga nagdaang halalan naging maluwag ang seguridad sa naturang polisiya. Nasanay ang mga tao ng bigay ng pera tuwing eleksyon. Nung nakaraang halalan, naging mahigpit ang mga pulis at ibang kawani ng gobyerno sa pagbabantay para mabantayan ang eleksyon, maiwasan ang gulo at mahuli ang mga taong lumabag. Naging masunurin naman ang mga tao sa ipinatupad na polisiya.

Image result for sk voting age 2018
Credit by: Voters Age
Isa pang naging usapin noong nakaraang sk eleksyon ay ang pagtaas ng edad sa pwedeng tumakbong opisyal. Dati, edad 15 hanggang 18- anyos lamang ang pwedeng tumakbo, ngayun edad 18 hanggang 24-anyos na ang pwedeng kumandidato. Noon kasi masyado pang mga bata ang nanalong sk lider, wala pang masyadong alam sa mga batas at nagiging biktima lang sa mga anomalya at abuso. Ngayun, dahil sa bagong batas na ipinatupad, nagkakaroon na ng sapat na kaalaman ang mga bagong halal na kabataan. May sinasaluhan silang training program para mahasa ang kanilang kakayahan at magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga batas at karapatan ng kabataan.

Image result for anti dynasty provision
Credit to: No to Dynasty
Naging usapin din ang makabagong batas na “anti-dynasty provision”. Ang probisyung ito ay naglalayon na matigil ang dinastiya sa bansa. Sa probisyong ito, hindi na pwedeng tumakbo sa anumang sk posisyun ang pamilya o kamag-anak ng sinumang halal na public official. Sa kabila ng mga usapin na ito, mas importante ang pagpili ng responsableng lider para sa kabataan na kayang isulong ang karapatan ng kabataan. Maging mapagmatyag ang bawat isa at maging bahagi sa pagbabago.

Comments

Popular posts from this blog

Katangian ng Pangulo ng Pilipinas

Pagbabago at Kaunlaran By: Marjohn S. Fabre

Palago na Turismo sa Pilipinas