Pagbabago at Kaunlaran By: Marjohn S. Fabre




Image result for proyekto ng pamahalaan
Credits: radio inquirer 

Ang pamahalaan ang siyang gumagawa ng batas at mga tuntuning dapat sundin ng mga tao, kailangan ang pagtutulungan ng pamahalaan at ng mga mamamayan upang magkaroon ng katahimikan at kaayusan sa bansa. At mahalaga ang pamahalaan sa isang bansa dahil sila ang gabay o kaya nagsisilbing pasimuno ng bansa upang mapaunlad ito.


At may mga proyekto din silang pinapaluwag ang kalsada dahil sa trapik na maaring magkaroon ng dahilan na posibilidad na mangyari ang isang aksidente kaya naghahanap sila ng soluyon para maibsan ang problema sa trapik. At may programa o proyekto din silang pagbibigay ng tulong at paglilingkod sa mga pamilya na naghihirap upang mapatatag ang kanilang pamumuhay.
Image result for new constructed school buildings
Credits: DPWH


Ang naitulong ng pamahalaan sa isang bansa ay ang pagawa ng mga proyekto na may mga magandang naidulot tulad ng programang pang-edukasyon para sa mga kabataang Filipino upang maging handa, hindi lang sa pagtatrabaho sa alinmang panig ng mundo kundi maging dito sa ating bansa kung saan mahigpit na rin ang kumpetisyon sa paghahanap ng mga trabaho.

Tungkulin din ng pamahalaan ang alituntuning tungkol sa operasyon ng transpotasyon; tulad ng mga sasakyang pampubliko, pati narin ang mga pribadong sasakyan at marami pang iba. At operasyon ng komunikasyon tulad ng telepono, telebisyon, radyo, kompyuter at iba pang paraan ng komunikasyon at ibinibigay nila ito sa mga iba't ibang barangay na pinamumunoan ng baranggay opisyal at saka ginagawan ng covered court at fiber glass ang bawat baranggay.

Ang isa sa mga programa nito ay ang pagpapairal ng katarungan sa bansa na ang lahat ng mamamayang mahirap o mayaman ay may karapatang tumanggap ng pantay na pagtingin ng batas at ng hukuman. Ang mga mahihirap na mamamayan na hindi kayang magbayad ng abogadong magtatanggol sa kanila at dahil sa mga isinasagawa na programa o proyekto ng pamahalaan ay may posibilidad na mapaunlad ang isang bansa.

Comments

Popular posts from this blog

Katangian ng Pangulo ng Pilipinas

HIV: ang kapalit sa Masarap