Karapatan Pahalagahan Mapahayop Man


Image result for karapatan ng hayop
Credit: Wordpress
 Lahat ng ginawa ng Diyos ay may halaga at may ginagampanan. Lalong lalo na ang mga hayop na namumuhay sa ibatibang parte ng mundo mapalupa man himpapawid karagatan o sa kagubatan. Kagaya nating mga tao ang mga hayop ay may karapatan ding mabuhay kumain magsaya at lalong-lalo na sa lahat karapatan din nila ang mahalin at alagaan. Ang mga hayop ang isa sa mga tumulutong sa mga tao upang mapadali ang kanilang ginagawa. Katulad ng kabayo na maaaring gawing sasakyan pang-transportasyon kalabaw na nakatutulong sa pagsasaka at iba pang mga hayop.


Credit: Google
Bakit sa kasalukuyang panahon ay ina-abuso na ng mga tao ang mga karapatan ng hayop? Bakit pinapatay nila ito ng walang ka awa-awa? Labag ito sa batas pero bakit ipinagpapatuloy pa rin nila ang pagkatay sa mga ito? Wala nga ba silang alam o sadyang hindi lang talaga nila binibigyan ng pansin ang batas at ang karapatan ng mga hayop. 

Sa panahon natin ngayon may nababalitaan na lamang tayo na may mga namamatay na mga hayop lalong lalo na ang mga aso. Mga asong pinapatay at ibinibenta upang kainin o isahos sa mga paninda sapagkat masarap raw itong kainin lalong lalo na pag gagawin na itong pulotan. Mga ka awa-awang aso na namamatay na lamang ng walang magawa kundi ang tanggapin ang katutuhanan na kahit anong gawin nila wala silang magagawa sapagkat hayop lang sila. Inaapakan na ang kanilang karapatan at ni minsan di tanaw ng mga kumakatay o pumapatay ng aso ang mga karapatang ito.


Credit: Wordpress
Ang RA 8485 o ang Animal Welfare Act ang batas na nagsasabing dapat bigyan ng wastong pangangalaga at pagmamahal ang mga hayop hindi lamang ang mga aso kundi lahat ng mga hayop. Kung sino man ang lumabag rito ay maaaring maparusahan. Sa Sec. 6 ng batas rin ay ipinagbabawal ang pagmaltrato at pag-torture sa mga hayop at na ipasa rin sa bahaging ito ng batas na hindi maaaring pumatay ng hayop, maliban sa mga karaniwang kinakain ng mga tao katulad ng baboy, manok, kambing, isda at iba pa. Kung sinuman ang makita at malamang lumabag sa mga ito ay maaari ring makulong.

Nagpapakita lang na ang bawat hayop ay may karapatan. Katulad din ng mga aso. Sila ay may karapatang magkaroon ng amo na bibigyan sila ng pansin. Ang mga aso ang tinatawag na "man's bestfriend". Sila ay magpapaligaya sayo pag ikaw ay nalulungkot. Kung wala kang kalaro maaari mo siyang laruin o di kaya i-pasyal sapagkat karapatan nilang magsaya dahil sila ay nagbibigay ligaya sa mga amo nila.



Karapatan ng mga aso na pakainin ng maayos. Karapatan nilang malinisan. Karapatan nilang alagaan. Karapatan nilang mahalin. Karapatan nilang tawagin o tanggapin bilang isa sa iyong pamilya. Karapatan nilang di masaktan o ma-maltrato. Ang mga aso ay ma-among hayop. Pagminahal mo lang ng tama tiyak na mamahalin ka rin pabalik. Kaya bigyang halaga ang mga ginawa ng Panginoon hindi lamang ang mga tao at halaman kundi pati narin ang mga hayop. Sila ay may naitutulong sa atin kayat karapatan nila'y wag abusuhin.






    
    

Comments

Popular posts from this blog

Katangian ng Pangulo ng Pilipinas

Pagbabago at Kaunlaran By: Marjohn S. Fabre

Palago na Turismo sa Pilipinas